
Sa kabila ng kanyang pag-iingat, nagbiktima na rin ng scam si Kyline Alcantara nang makuha ang malaking halaga mula sa kanyang bank account kamakailan lang.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 10, ibinahagi ni Kyline ang naging karanasan niya sa text at email scam. Sa pagbabahagi ng aktres, nakatanggap siya ng text at email na nagsasabing may problema umano ang kanyang mga bank account.
“So click this link para maayos. So I clicked it and then parang napunta po sa ibang website. And then parang inalis ko na lang po siya agad. And then when I checked the bank app, biglang 'Ay, parang nabawasan 'yung pera ko.' 'Yun na po pala 'yun,” sabi ni Kyline.
Pag-amin ni Kyline, malaki ang nawala sa kanyang bank account, ngunit hindi naman umabot sa hundred thousands. Sinabi rin ng aktres na noong mga panahong iyon, hindi niya alam kung ano ang puwede niyang gawin kaya napabayaan na lang niya.
Pero ngayon, sabi ng aktres, alam niyang may Cybercrime Division ang National Bureau of Investigation.
Nagbigay rin ng babala si Kyline, lalo na sa pag-connect sa mga public Wi-Fi.
"Meron pa nga po sinasabi nila na just be careful if you want to connect to the public Wi-Fi tapos bubuksan mo 'yung bank app mo kasi baka puwede rin nila pasukin 'yun. Sobrang daming ways na po.”
BALIKAN ANG PAG-AARAL NG ILANG SPARKLE STARS TUNGKOL SA CYBERSECURITY AT SCAMS SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa pambibiktima kay Kyline, minsan na ring nagamit ang pangalan ng aktres para makapambiktima ng iba. Noong July 2024, naglabas ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent arm ng GMA Network, para magbigay ng warning sa netizens.
“We have been informed of fraudulent messages circulating on Viber that falsely claim to be from 'Kyline Alcantara' soliciting donations from certain individuals. Please do not respond or provide any personal information. Verify the sender's identity first. Stay vigilant, everyone,”
Panoorin ang panayam kay Kyline dito: