
Aminado ang Beauty Empire star na si Kyline Alcantara na naging masakit para sa kanya ang naging breakup nila ni Kobe Paras. Kaya naman, sa paghihilom niya, naging sandigan ng aktres ang kanyang co-star na si Barbie Forteza.
Sa pagbisita ni Kyline Alcantara sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 11, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang aktres, ay kung papaano siya naka-cope sa kanyang break up.
Ayon kay Kyline, naging malaking factor ang kanyang pamilya at ang Panginoong Diyos sa kanyang pag-move forward. Ngunit ayon din sa aktres, ibang tulong din ang nagawa ng co-star niyang si Barbie.
“She just gave me my confidence back, she made me realize na 'Ikaw muna, mare.' So whenever I say that I love you Barbie or I love you mare, galing po talaga sa puso 'yan,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Kyline, more than co-workers na ang relationship nila ngayong ng Kapuso Primetime Princess, at sinagot ng “Yes” ang tanong ng batikang host kung sila ba ay naging sisters na.
Saad pa ni Kyline, laging naroon si Barbie para sa suportahan siya, lalo na sa mga panahon hindi niya alam kung saan pupunta. Sa katunayan, hindi na nga niya ito kailangan tawagin para puntahan siya dahil madalas, ito pa ang tatawag para sabihin na papunta na siya.
“May one time po, tawag siya sa'kin, 'O, mare, papunta na'ko, ha? Kakain tayo. 'Di ka kasi kumakain. Kain tayo.' Ganyan. Sabi ko, 'Huh? Hindi pa nakaayos 'yung bahay namin, teka lang.' Sabi niya, 'Wala akong pakialam, gusto lang kitang makitang kumain, pupunta ako diyan, usap tayo,'” pag-alala ni Kyline.
“Doon ko na-prove na iba talaga si Madam Barbie, that's why I love her. 'Yan ang kaibigan. She has this special place in my heart,” sabi pa ng aktres.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG INSEPARABLE CELEBRITY BFFS SA GALLERY NA ITO: