
May planong tumulong sa mga apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis si Kyline Alcantara.
Sa 24 Oras report ni Aubrey Carampel noong Miyerkules, April 8, inihayag ng Sparkle star ang plano na makatulong sa mga apektado ng energy crisis sa kanyang maliit na pamamaraan.
“Gusto kong pumunta lang sa isang fuel station,” ani Kyline.
Ayon sa aktres ay inspirasyon niya ang kanyang lolo na dating jeepney driver sa planong pagtulong.
“It's like an homage to my lolo na jeepney driver before sa Bicol,” sabi ni Kyline.
Kagaya ng marami ay apektado rin si Kyline ng ongoing na energy crisis kaya naman may mga ginagawa rin siya na mga cost-cutting methods para maibsan ang epekto nito.
“Bawas sa paglabas-labas kasi para 'di po masyadong magastos sa gas,” ani Kyline.
Dagdag pa niya, “Bawas talaga sa lahat ng expenses. Sa bahay, as much as possible, sarado lahat, na-uunplug lahat ng kailangan i-unplug.”
RELATED GALLERY: Kyline Alcantara's Kapuso milestones