GMA Logo kyline alcantara
Source: Screenshot from GMA News YouTube
What's Hot

Kyline Alcantara, nais tumulong sa mga apektado ng mataas na fuel prices

By Faye Almazan
Published April 9, 2026 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: LeBron James reaches 12K assists as Lakers crush Suns
4 killed after wing van crashes into gym in Davao City
UP Admissions Office cautions applicants amid surge of unofficial UPCAT guides

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara


Inspirasyon ni Kyline Alcantara sa planong pagtulong ang kanyang lolo na dating jeepney driver.

May planong tumulong sa mga apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis si Kyline Alcantara.

Sa 24 Oras report ni Aubrey Carampel noong Miyerkules, April 8, inihayag ng Sparkle star ang plano na makatulong sa mga apektado ng energy crisis sa kanyang maliit na pamamaraan.

“Gusto kong pumunta lang sa isang fuel station,” ani Kyline.

Ayon sa aktres ay inspirasyon niya ang kanyang lolo na dating jeepney driver sa planong pagtulong.

“It's like an homage to my lolo na jeepney driver before sa Bicol,” sabi ni Kyline.

Kagaya ng marami ay apektado rin si Kyline ng ongoing na energy crisis kaya naman may mga ginagawa rin siya na mga cost-cutting methods para maibsan ang epekto nito.

“Bawas sa paglabas-labas kasi para 'di po masyadong magastos sa gas,” ani Kyline.

Dagdag pa niya, “Bawas talaga sa lahat ng expenses. Sa bahay, as much as possible, sarado lahat, na-uunplug lahat ng kailangan i-unplug.”

RELATED GALLERY: Kyline Alcantara's Kapuso milestones