
Naging mainit at malaman ang mga salitang binitawan ni Kyline Alcantara sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News Interviews. Ito ay tungkol sa kanyang heartbreak at iba pang mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nagdaang buwan.
Ito ang unang pagkakataong naglabas ang Beauty Empire actress ng kanyang saloobin matapos siyang mahusgahan agad sa gitna ng kanyang silent battles.
Sa ngayon, naka-move na raw si Kyline sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya.
"My heart is good. It's better now, definitely, with the help of everyone around me," aniya.
Matatandaang naging kontrobersyal ang recent heartbreak ni Kyline pero ni minsan ay hindi siya salita. Paliwanag ng aktres, hindi siya lumaban dahil hindi dapat pagpiyestahan ng publiko ang mga bagay na nangyayari sa kanyang personal na buhay.
Matapang na katuwiran ni Kyline, "Nasaktan mo man ako, I will always show grace and I will never fight back publicly and I'll never speak up about whatever's happening in my private life publicly because I do not owe the world my heartbreak so sa akin yon."
Patuloy niya, "I do not need to prove myself to anyone. I don't need any validation galing sa kahit kanino especially the public because I know that I'm a public figure but I'm not public's property. I will never fight back because alam ko yung karma o yung revenge, manggagaling yan sa ating Panginoong Diyos."
Paniniwala ni Kyline, hindi siya gaganti dahil Diyos na ang bahala sa mga taong nanakit sa kanya.
Dagdag pa niya, "Alam ko rin naman na kung sino man yung nakasakit sa 'kin, mahal din naman s'ya ng ating Panginoong Diyos at alam ko na mabuti s'yang tao as a person, so alam ko na may kabutihan s'ya sa puso niya so never po talaga (ako gaganti). And again si God na po bahala do'n because He saw what I didn't see, He heard what I didn't hear so s'ya na po yun. I just move on."
Nagpapakatatag man, inamin ni Kyline na nasasaktan siya, lalo na kapag hinuhusgahan siya agad ng tao kahit hindi nila alam ang kanyang side.
Pag-amin niya, "It hurts so much na parang napakadali lang ng mga tao na i-judge ako."
Ayon pa kay Kyline, sa mga panahong nalulugmok siya, sa panalangin siya kumakapit. "I really pray and sit with my feelings, and deal with it on my own."
Apela niya sa publiko, huwag siyang alalahanin dahil pinatatag na siya ng kanyang mga pinagdaanang pagsubok. Hiling niya sa kanyang fans, "Please, don't worry about me. Please don't. I can handle this." Dugtong pa niya, "Baka strong woman 'to."
Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.
Napapanood si Kyline sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire, na pinapalabas sa GMA Prime at sa streaming platform na Viu.
Related gallery: Sophisticated looks of Kyline Alcantara