GMA Logo Mavy Legaspi and Kyline Alcantara
Celebrity Life

Kyline Alcantara, natuwa sa ginawa ni Mavy Legaspi noong Valentine's Day

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 18, 2022 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara


Ano kaya ang ginawa ni Mavy na talagang nagpasaya kay Kyline?

Masayang kinuwento ni Kyline Alcantara kung ano ang ginawa nila ng kanyang rumored boyfriend na si Mavy Legaspi noong Valentine's Day.

Sa virtual media conference ng "Sparkle Sweethearts” na kabilang silang dalawa, ibinahagi ni Kyline na sumunod si Mavy sa Tagaytay kung saan siya nagbakasyon kasama ang kanyang pamilya.

Pagbabalik tanaw ni Kyline, "Nasurprise po talaga ako kasi mahirap po talaga ako i-surprise. Prior to that day, lumabas si Mav with his friends tapos, nagse-send siya ng mga pictures sa akin na parang, 'Oh, we're here sa Nuvali. We're here papuntang La Union' blah, blah, blah.”

"So ako 'yung parang, 'Ah, okay.' Hindi big deal sa akin 'yung hindi kami magba-Valentine's talaga this year, and even though it's our first Valentine's together, hindi big deal sa akin kasi siyempre, ano naman magagawa ko? It's a long shot talaga.

"Tapos siguro mga 4 a.m. na, sabi niya, 'Grabe, late sila nakauwi, I'm gonna sleep na,' blah, blah, blah. Tapos ako 'yung parang, 'Okay!'

"Pero hindi naman talaga siya big deal sa akin kasi come on, it's just a day pero meron pa rin namang [feeling na] baka isu-surprise niya ako pero gabi pa.

"May hope pa rin kasi I hope Mavy's really romantic so parang baka [meron]," aniya.

Hindi na sinabi ni Kyline kung ano ang personal na niregalo ni Mavy sa kanya. Sa halip, kinuwento ni Kyline na pati ang kanyang ina ay binigyan ni Mavy ng bulaklak noong Valentine's Day.

"Basta ang mahalaga po, for me ang pinaka-big gesture na ginawa niya, yes, pumunta siya ng Tagaytay. Yes, sinurprise niya ako pero ang pinakamahalagang ginawa niya sa akin doon is 'yung binigyan niya ng flowers 'yung mom ko," paliwanag niya.

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)

Take a look at some of the sweetest photos of Mavy and Kyline in this gallery: