GMA Logo kyline alcantara
Celebrity Life

Kyline Alcantara on her first trip to South Korea: 'Sobrang ganda ng lahat ng tourist destinations'

By Aimee Anoc
Published July 26, 2022 3:08 PM PHT
Updated July 26, 2022 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara


Nagpunta si Kyline Alcantara sa South Korea bilang Honorary Ambassador ng Korean Tourism Organization Manila.

Masayang ibinahagi ni Kyline Alcantara ang kanyang unang trip sa South Korea.

Lumipad kamakailan si Kyline sa naturang bansa bilang bahagi ng pagiging Honorary Ambassador niya ng Korean Tourism Organization Manila.

Sa interview kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, pangarap daw talaga ni Kyline na makapunta sa mga lugar na nakikita lang niya noon sa mga K-drama.

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)

"Hindi dahil ambassador ako ng KTO, pero masasabi ko talaga na sobrang ganda ng lahat ng tourist destinations sa Korea. Kahit hindi siya sa tourist destination, as in buong Korea," sabi ng aktres.

Ayon kay Kyline, nasa Busan siya sa unang tatlong araw ng kanyang trip sa Korea. Inilaan naman niya ang huling dalawang araw sa pamamasyal sa Seoul, kung saan nakasama niya ang on-screen partner na si Mavy Legaspi.

"Sa last two days na sa Seoul na ako, doon lang naman po siya nag-stay," aniya.

Ilan sa mga sikat na destinasyon na pinasyalan ni Kyline sa Busan ay ang second highest building sa Korea na X the Sky, Busan International Film Festival, Gwangalli Beach, Dadaepo Beach, at Oryukdo Island.

TINGNAN ANG K-DRAMA LOOKS NI KYLINE ALCANTARA SA KOREA RITO: