
Game na game na kumasa si Sparkle actress Kyline Alcantara sa "Divisoria Shopping Challenge" para mapasaya ang anim na batang may cancer ng Child Haus Foundation.
Isinagawa ni Kyline ang challenge sa 168 mall kung saan namili siya ng mga damit at shorts na ireregalo para sa mga bata.
Sa pamimili, naalala rin ni Kyline ang ina kung saan aniya dati ay nagbebenta ito ng bedsheets, bags, jewelries, at kung ano-ano pa.
Ang aktres na rin mismo ang nagbalot ng mga ipinamiling regalo para kina Quincy, Princess, Lorraine, Arvin, Carlo, at MJ.
Hindi naman napigilan ni Kyline na maging emosyonal nang pasalamatan siya sa pamamagitan ng isang video ng mga batang niregaluhan niya.
"Ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano nabigyan ko sila ng kahit kaunting ngiti sa kanilang magaganda at mga gwapong mukha.
"I hope ako sana 'yung nagbigay sa kanila mismo ng mga regalo ko sa kanila but unfortunately because of what's happening around the world right now hindi ko po magagawa 'yun. But I hope soon mami-meet ko na rin sila because I just love doing charities and putting smiles sa mga tao na katulad nila," pagbabahagi ni Kyline.
Panoorin ang ginawang pagpapasaya ni Kyline Alcantara sa mga bata sa Child Haus Foundation, dito:
Samantala, mas kilalanin pa si Kyline Alcantara sa gallery na ito: