
Nananatiling proud Kapuso si Kyline Alcantara sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong Martes, November 22.
Sa interview ng GMANetwork.com, masaya at nagpapasalamat ang aktres sa panibagong tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.
"I feel really great. I feel so happy, I feel so grateful kasi syempre for many more years again pinagkatiwalaan na naman nila ako," sabi ni Kyline. "And syempre bilang artista napakalaking bagay nu'n para sa 'kin na may isang malaking network na nagtitiwala sa akin at inaalagaan din ako, ang sarap sa pakiramdam."
Para sa kanyang mga susunod na proyekto, kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais ni Kyline na sumabak sa isang action series o films. Aniya, "Mas level up po siguro, sana. And I know naman na aalagaan naman nila ako and, of course, my career.
"More challenging roles na sarili ko lang and, of course, with Mavy [Legaspi] kasi we're a loveteam. And I'm excited to be challenged by the network also. So sana more challenging roles na I need to be physically ready, not just emotionally but you know physically, parang Marvel type na kailangan ko talagang mag-workout, in short action movie or series."
Sa ngayon, mayroong podcast si Kyline kasama ang on-screen partner na si Mavy Legaspi, ang MavLine on Me na mapapakinggan sa Spotify. Gayundin, ang Wattpad series nila ni Mavy, ang Love At First Read.
Naghahanda rin ang aktres para sa upcoming digital series nila ni Mavy, na unang mapapanood bago ang kanilang teleserye.
TINGNAN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA MULING PUMIRMA NG KONTRATA SA SPARKLE GMA ARTIST CENTER DITO: