What's Hot

Kyline Alcantara sa viral video nila ni Kobe Paras: 'I don't owe the public explanation'

By Jansen Ramos
Published August 29, 2024 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

kobe paras and kyline alcantara


Pahayag ng 'Shining Inheritance' actress na si Kyline Alcantara sa rumored romance nila ni Kobe Paras, 'Whatever they see, that's what they're gonna get.'

Kumakalat ngayon sa social media ang video nina Kyline Alcantara at Kobe Paras kung saan muli silang na-spot-an na sweet na sweet sa isa't isa.

Mapapanood rito na nakakandong si Kyline sa hita ni Kobe habang kumakanta ito sa videoke sa isang private event. Hinalikan ni Kobe ang braso ni Kyline matapos magtinginan ang dalawa. Sa nasabing video, kitang-kitang masaya ang dalawa sa piling ng isa't isa.

Halo-halong reaksyon ang natanggap ng rumored couple. Nang tanungin ni Lhar Santiago ang Shining Inheritance star, walang direktang pag-amin ang aktres sa estado ng kanilang relasyon ni Kobe.

"I feel like it's my right to not answer questions or to deny nor confirm anything," ani Kyline sa 'Chika Minute' report ng batikang entertainment correspondent sa 24 Oras kagabi, August 28.

"I don't think I need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see, that's what they're gonna get. And as long as alam ng pamilya ko, 'yung mga close kong kaibigan, my loved ones was really happening behind the camera, I feel I don't owe the public explanation naman po."

Bago pa ito, ilang beses nang nakita sina Kyline at Kobe na magkasama sa iba't ibang okasyon.

Unang napansin ang sweet gestures nina Kyline at Kobe isa't isa lalo na online gaya na lang ng pag-repost ni Kobe ng picture ni Kyline with a white heart emoji at heart-eyed emoji comment sa post ng aktres.

Napansin din ng netizens na nasa iisang restaurant lamang ang dalawa nang mag-post sila sa kani-kanilang Instagram Stories.

Minsan na rin silang na-spot-an na naglalakad habang magkahawak ang kamay.

Magkasama rin silang dumalo sa GMA Gala noong Hulyo.

Kamakailan, may fanboy moment si Kobe sa Mega magazine cover ni Kyline at magkasama ring dumalo sa isang binyagan.

Mensahe ng aktres sa basketbolista, "Well, thank you for the support. Ever since talaga, mas naging closer kami. He really is supporting me all the way."

Wala mang direktang pag-amin sa kanilang status, may kakaiba namang paglalarawan si Kyline sa samahan nila ni Kobe.

Aniya, "It's a different feeling po so I don't know the exact words to describe it. Lumalabas na lang siya through actions, auras."

Ayon sa panayam ng GMA News kay Kobe, sinabi ng basketbolista na "great friends" sila ni Kyline.

NARITO ANG IBA PANG KILIG PHOTOS NINA KYLINE AT KOBE.
Embed gallery.