
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, October 31, mariing itinanggi ni Kyline Alcantara na nagparetoke siya, pero aniya, "okay" lang sa kanya ang ideya ng pagpapa-enhance.
"Ako naman po Tito Boy, I'm all about self-love, self-confidence. Knowing your self-worth," sabi ni Kyline.
"I'm okay with enhancing yourself or your features," dagdag ng aktres.
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung sumailalim na ba siya sa pagpapa-enhance, sagot ni Kyline, "No po."
Nang tanungin naman kung natatakot ba siyang magpa-enhance, ani aktres, "Siguro po 'pag kailangan ko na."
Pagpapatuloy ni Kyline, "Ako po, okay po ako pagdating sa enhancement as long as you feel confident after that and you won't regret it, go for it. Kasi, it's your body."
Itinanggi rin ni Kyline ang mga nababasang komento na gawa ang kanyang cheeks, dimples, at chin.
"Actually, sabi po nila Tito Boy, gawa raw po 'yung cheeks ko kasi nasobrahan daw po sa laki. Mayroon pa nga po nagsabi, gawa raw po 'yung dimples ko... chin din daw," pagbabahagi ni Kyline.
Sumang-ayon naman si Kyline nang linawin ni Tito Boy kung tama ba na hindi siya against sa ideya ng enhancement kung kakailanganin.
"Yes, or if you just wanna feel more confident about yourself."
RELATED CONTENT: The many looks of Kyline Alcantara that will make heads turn