
Isang exciting indoor sport ang sinubukan ni Kapuso actress Kyline Alcantara.
For the first time, sumabak siya sa bouldering.
Ang bouldering ay isang uri ng rock climbing kung saan hindi gumagamit ng mga lubid at harness. Tanging climbing shoes, chalk, at safety mats lang ang gamit dito.
Ibinahagi ni Kyline ang kanyang bouldering experience sa isang maikling video sa Instagram.
"first time doing bouldering… and i almost fell," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Makikita dito ang aktres na umaakyat sa isang boulder habang binibigyan ng tips at direksyon ng ilang mga tao off camera.
Matagumpay na nakarating sa Kyline sa tuktok kaya nakatanggap siya ng mga papuri mula sa mga tao sa floor.
Noong pababa na siya, muntik siyang mahulog pero nakakapit kaagad sa climbing hold.
Ipinamalas din niya ang kanyang lakas dahil nanatili siyang nakalambitin nang isang kamay lang ang gamit.
Nakalundag naman pababa si Kyline sa safety mat at sinalubong ng cheers ng mga nanonood sa kanya.
"I did it!" masayang pahayag ni Kyline.
Samantala, nakatakdang maging bahagi si Kyline ng upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Image Source: gmanetwork (Instagram)
Gaganap siya dito bilang financial analyst at forensic accountant na si Callie.
Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: