
Talaga namang pinaghandaan ni Kyline Alcantara ang kanyang look para sa Sparkle Spell Halloween Party na ginanap noong Linggo (October 22) sa Xylo sa Bonifacio Global City.
Marami ang napahanga sa aktres nang dumating sa black carpet bilang Night King ng Game of Thrones.
Sa kanyang interview sa live stream ng Sparkle GMA Artist Center, ikinuwento ni Kyline na inabot ng tatlong oras ang kanyang prosthetics sa mukha para ma-achieve ang Night King-inspired look.
Pinuri rin ni Kyline ang makeup artist sa likod ng kanyang look na si Drian Bautista.
Ayon kay Kyline, ideya ng kanyang team ang naging look niya sa Sparkle Spell.
"And sobrang paborito ko kasi talaga ang Game of Thrones so I am the Night King, but for tonight I am the Night Queen," kuwento ng aktres.
Dagdag niya, "Kasi na-realize ko na sa GOT ang dami ng ginawa na babae na version. For example, si Cersei and si Daenarys, nakaupo na sila sa iron throne na dapat kings lang 'yung nakakaupo roon.
"And si Lady Brienne and si Aria, naging lady knights sila na dapat mga lalaki lang 'yung ganu'n. Ngayon naman, si Night King ay gagawin kong Night Queen."
Isa si Kyline sa mga nakakuha ng awards sa Sparkle Spell kung saan naiuwi niya ang Most "O, Wow" Outfit mula sa Oishi.
TINGNAN ANG "FABULOUSLY FRIGHTENING" LOOKS NG MGA NANALO SA SPARKLE SPELL 2023 SA GALLERY NA ITO: