GMA Logo kyline alcantara
Celebrity Life

Kyline Alcantara starts building her family's dream home

By Aimee Anoc
Published December 23, 2022 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara


Kyline Alcantara says the house she's building is the "greatest gift" she could give to her parents.

Sinisimulan na ni Sparkle actress Kyline Alcantara ang dream house para sa kanyang pamilya.

Sa eksklusibong interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Kyline na nagsimula na noong Oktubre ang konstruksyon para sa pinapangarap na bahay.

"'Yung mga magulang ko gusto nilang magplano this Christmas pero ako sabi ko 'wag na lang muna. Gusto ko kasing mag-ipon para sa ipinapagawa naming bahay so doon muna, para lahat ng dumarating doon napupunta," pagbabahagi ng aktres.

Dagdag ni Kyline, "And 'yun din kasi 'yung parang greatest gift na maibibigay ko sa aking mga magulang na magkaroon sila ng sarili nilang bahay. So doon muna ako nakapokus."

Nang tanungin kung anong regalo ang nais niyang matanggap ngayong Pasko, sagot niya, "Siguro pagmamahal na lang at kasiyahan. Mayroon naman ako ng both now."

Noong Nobyembre, kabilang si Kyline sa loyal Kapuso stars na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event nito, ang "Signed For Stardom."

MAS KILALANIN SI KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO: