
Excited na si Kyline Alcantara sa kanyang upcoming GMA teleserye, ang Inagaw Na Bituin, na pagbibidahan din nina Therese Malvar at Migo Adecer.
Sa isang interview with 24 Oras, sinabi ni Kyline, "Siyempre po, I'm excited, and at the same time kinakabahan po dahil bago po ang ipapakita ko dito."
Nabanggit din niya na hindi raw makikita ng viewers ang kaniyang karakter bilang Cheska sa Kambal, Karibal sa kanyang bagong role bilang sina Elsa at Anna.
Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Therese sa mga pangyayari.
Aniya, "Slowly, I am realizing na parang, 'Wow, finally may teleserye na po ako na ita-topbill ko as a kontrabida."
Ngayon pa lang daw ay pinag-aaralan na ni Therese kung paano ba maging isang effective kontrabida on-screen.
Para naman kay Migo, malaki raw ang potensyal ng show na ito dahil na rin sa co-cast members niya.
At dahil magagaling ang mga kasama niya, pinapangako ni Migo ibibigay rin niya ang kaniyang best para sa Inagaw na Bituin.
Panoorin nag buong report sa 24 Oras: