
Maraming netizens ang hindi makapaniwala nang makita nila ang pangalan ni Kapuso actress Kyline Alcantara sa Instagram Live ni South Korean actor at While You Were Sleeping star Lee Jong-suk.
Kamakailan kasi, nag-Instagram Live ang aktor na talaga namang sinubaybayan ng lahat lalo na't marami ang nag-aabang ng kanyang latest K-drama project matapos ang kanyang military enlistment noong January 2, 2021.
Sa naganap na live stream, nag-iwan ng comment ang Kapuso actress na “HI LOOOOVE” at “Hi my love” na hindi nasalisihan ng fans ng aktres.
Source: sharmcutie (Twitter) and @aegyoonjeonghan (Twitter)
Dahil dito, hindi napigilan ng fans na mag-react sa kanilang Twitter account at i-tag si Kyline para mabasa ang mga ito.
Ani ng isa, “Opo, huling huli po si @2002kyline HAHAHAHAHAHA! Pila ka sa likod, bhie. Juk.”
Bitiw naman ng isang netizen, “Madam, sa likod ang pila @2002kyline”
Biro naman ng isang fan, “Ms. @2002kyline pila ka rin hahaha. Dito ka sa likod or pwede naman pasingitin kita sa harapan. HAHAHA.”
AY HEHEHE https://t.co/p0ULrxDCfs
-- Kyline Alcantara 🌻 (@2002kyline) March 31, 2021
Naka pila po🙈 https://t.co/G5B7YFI75v
-- Kyline Alcantara 🌻 (@2002kyline) March 31, 2021
Pasingit please🥺 https://t.co/68LZ8SqBc8
-- Kyline Alcantara 🌻 (@2002kyline) March 31, 2021
Isa si Kyline sa ilang mga Filipino celebrities at personalities na nakakuha ng K-drama at K-pop bug. Kilalanin kung sino-sino sila sa gallery na ito: