
Painit nang painit ang mga kaganapan sa hit telenovela na La Doña.
Tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Altagracia kay Saul. Paano naman kaya si Monica na may pagtingin din kay Saul?
Lingid pa rin sa kaalaman nina Altagracia at Monica ang malalim na koneksyon nila sa isa't-isa.
Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang kanilang magkakabit na nakaraan?
Samantala, simula August 30 ay mapapanood na ang La Doña sa GTV tuwing Lunes haggang Biyernes, 3:15 p.m. - 4:00 p.m.
May replay din pagdating ng 11:30 p.m. tuwing Lunes hanggang Huwebes at 11:00 p.m. pagsapit ng Biyernes.
Tuwing Sabado naman ay mapapanood ang La Doña tuwing 4:30 p.m. - 5:30 p.m.
Kilalanin ng husto ang lead star ng La Doña na si Aracely Arámbula sa gallery na ito.