GMA Logo La Salle Green Hills Greenies
What's on TV

La Salle Green Hills Greenies, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published April 27, 2023 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

La Salle Green Hills Greenies


Congratulations, La Salle Green Hills Greenies team!

Napasigaw at napatalon sa saya ang NCAA Season 98 junior basketball team na La Salle Greenhills (LSGH) Greenies nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud nitong Miyerkules, April 26

Ang nasabing team ay pinangungunahan ng NCAA Season 98 MVP Manuel Luis Pablo o Pabs, kasama sina Seven Gagate, Gelo Rivero, at Ethan Alian.

Sa episode na ito ay nakaharap nila ang mortal din nilang kalaban sa hardcourt na NCAA Season 98 junior basketball champions na Letran Squires na sina Emman Anabo, George Diamante, Jonathan Manalili, at Jolo Navarro.

Samantala, sa kanilang paglalaro, panalo agad ang team LSGH Greenies sa first round sa score na 63 points.

Pagdating sa second round, nakabawi ang team Letran Squires sa score na 89 points nang makuha nila ang huling survey answer sa tanong na, “Ayon sa commercials, ano raw ang nagagawa ng shampoo sa buhok?”

Sa third round, muling nabawi ng LSGH Greenies ang game nang mahulaan nila ang mga sangkap sa special na halo-halo ayon sa survey. Dito ay nakabuo sila ng 223 points.

Pagdating sa fourth round, nabigo nang maka-score ang Letran Squires nang ma-perfect ng LSGH Greenies ang lahat ng sagot sa survey board.

Ang final score ng LSGH Greenies ay 514 points habang ang Letran Squires naman ay 89 points.

Sa fast money round, sina Pabs at Ethan ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 205 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang UP Ikot Drivers Association bilang napiling charity ng La Salle Green Hills Greenies habang mayroon namang PhP50,000 ang team Letran Squires.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: