
Sa pagbubukas ng Bagong Taon, isa sa mga ka-teammate ni Stacy (Maine Mendoza) ang makakatanggap ng big promotion.
Sino kina Daboy (Kevin Santos) at Jingle Bell (Via Antonio) ang chosen one?
Makatulong kaya ang pagsipsip nila sa HR Manager sa Iconic Media na si Ms. Macupad (Melanie Marquez).
YouTube stars showcase their comedic talents on 'Daddy's Gurl'
Kumasa naman si Matilda (Wally Bayola) sa hamon nila Barak (Vic Sotto) na kailangan niya matupad ang New Year's resolution niya na hindi na magagalit.
Matupad kaya ito ni monster Matilda?
Babaha ng cuties sa unang episode ng Daddy's Gurl for 2020, dahil makikisaya din ang YouTube star na si Boi Spencer (Spencer Capistrano) this January 4!
#DaddysGurl: This 2020, bawal magalit dahil nakakapangit! Spend the first Saturday of the year kasama sina Stacy, Barak at ilan sa mga nakakaaliw naming bisita!@mainedcm @pilot_kevinreal @angelikadlacruz pic.twitter.com/Zp4RMLZPAW
-- GMA Network (@gmanetwork) January 2, 2020
Huwag papahuli sa mga LOL moments na hahanap-hanapin ninyo sa Daddy's Gurl every Saturday night after Pepito Manaloto!