
Hinirang sina Boobay, Divine at Ian Red bilang ikalawang grupo na pasok sa 'Laff, Camera, Action!' Hall of Fame.
Magkasunod na dawalang linggong nanalo sa hamon ng improvisation sina Boobay, Divine at Ian Red. At para makapasok sa Hall of Fame ng Laff, Camera, Action! ay hindi biro ang ginawa nila sa ngalan ng pagpapatawa.
Para sa huling round, ang eksena ay tungkol sa isang bagong barber na mali-mali ang gupit. Simula pa lang ay may punchline ang Team A ngunit pinakanakakabigla ang gagawin nilang pagseseryoso sa bandang huli. May totoong magugupitan ng buhok!
Dahil sa nakakatuwa at talagang nakakabilib na performance na ito ay hinirang na nga sina Boobay, Divine at Ian Red bilang ikalawang grupo na pasok sa Hall of Fame. Unang nakapasok sa kanila ang grupo nina Tetay, Doktora Beki at Candy Pangilinan.
Sino-sino na kaya ang sasalang at magpapasabog sa pagpapatawas Laff, Camera, Action! stage? Tutok na tuwing Sabado sa GMA!