
Sa ating nagbabagong panahon, pati secret admirer digital na rin!
Ito ang kuwentong hatid ng romantic comedy lakorn na Secret Love Online.
Bagong hire si Prince (Mark Prin Suparat) sa isang marketing firm.
Nakuha niya ang trabaho salamat sa tips at iba't ibang payo na natatanggap via chat mula sa taong nagtatago sa likod ng username na "Secret Lover."
Hindi niya alam na ito pala ang kanyang mahigpit at striktong boss na si Adrienne (Anne Thongprasom). Nahulog kasi ang loob ni Adrienne kay Prince matapos siyang iligtas nito mula sa isang aksidente.
Noong una, ginamit lang niya ang pagcha-chat gamit ang "Secret Lover" account para tulungan si Prince na makuha ang trabaho. Pero sa dalas nilang mag-usap, tila may nabubuo nang pag-ibig sa pagitan ng dalawa kahit hindi pa sila nagkikita.
Magugulo ang online romance na ito sa pagdating ni Camille (Kimberley Anne Woltemas), isa ring bagong hire sa kumpanya. Karibal man niya si Prince sa trabaho, unti-unti nyang magugustuhan ang binata.
Samantala, papasok din sa kanilang buhul-buhol na office romance si Albert (Peter Corp Dyrendal), ang gwapo at flirtatious na managing director ng kumpanya na may lihim na pagtingin kay Adrienne.
Sino ang makakatuluyan sa complicated love story na ito?
Alamin 'yan sa Thai romantic comedy series na Secret Love Online, soon on GMA News TV.