GMA Logo The Cheery Lee, Village Headman
What's Hot

Lakorn series 'The Cheery Lee, Village Headman,' mapapanood sa GMA simula April 21

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 16, 2025 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

The Cheery Lee, Village Headman


Mapapanood ang Lakorn comedy series na 'The Cheery Lee, Village Headman' simula April 21, 9:00 a.m. sa GMA.

Umaga pa lang ay katatawanan na ang hatid sa mga Kapuso ng Lakorn series na The Cheery Lee, Village Headman na mapapanood tuwing 9 a.m. simula April 21.

Umiikot ang kwento ng The Cheery Lee, Village Headman kay Lee, isang kilalang makeup artist na kilala sa siyudad bilang si Leena. Kinailangan bumalik ni Lee sa kanyang hometown para palitan ang kanyang ama bilang village headman.

Ang makakalaban niya sa pagka-village headman ay si Bank, na anak ng isang loan shark.

Mapanindigan kaya ni Lee na gampanan ang buhay na malayo sa kinasanayan niya? Babaguhin niya kaya ang sarili niya para manalo o magiging totoo sa kanyang sarili kahit na matalo?

Panoorin ang The Cheery Lee, Village Headman, 9:00 a.m. sa GMA simula April 21.