What's on TV

Lalaki, pinagsabay-sabay ang tatlong nobya?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 2:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang kuwento ngayong Linggo, August 14 sa 'Dear Uge' tampok sina Rocco Nacino, Gladys Reyes, Patricia Ismael at Sanya Lopez.


Magkakahawig ang nobyo nina Alma (Gladys Reyes), Sheena (Patricia Ismael) at Faith (Sanya Lopez). Nagkataon lang ba ‘to o nagpapanggap lamang na triplets si Elmer (Rocco Nacino) para pagsabay-sabayin ang kanyang tatlong nobya? Ito ang #pogiproblems na tampok sa Dear Uge ngayong Linggo, August 14.
 
Tulad ng kanyang mga kaibigang kasambahay na sina Sheena at Faith, pangarap ni Alma na magkaroon ng isang masaya at tunay na pag-ibig. Buti na lang at nakilala niya si Elmer, isang napaka-sweet at guwapong  tubero.
 
Masaya na ang tatlo sa kanilang love life hanggang sa mapansin ni Alma na tila magkakahawig ang mga nobyo nila. Tamang hinala lamang daw ito dahil ipinaliwanag ni Elmer na ang mga nobyo nina Sheena at Faith ay ang mga ka-triplets niya.
 
Elmer, ‘yung totoo? Ano kaya ang mangyayari kung malaman nina Alma, Sheena at Faith na nagsisinungaling si Elmer at ang nobyo nila ay iisa?
 
Naku, riot ito! Kaya 'wag palampasin ang Dear Uge ngayong Linggo, August 14, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.