GMA Logo Buboy
What's Hot

Lalaking tinawag na 'Buboy Aso' dahil sa sakit na polio, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published May 11, 2022 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Almost 200,000 outbound passengers seen in seaports during Holy Week
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy


Isang bagong pag-asa ang hatid ng 'Wish Ko Lang' kay Buboy at sa anak nitong si Paupau.

Nasaksihan noong Sabado sa "Buboy Aso" episode ng Wish Ko Lang ang nakaaantig na kuwento ng isang amang may polio na pinalaking mag-isa ang anak matapos na iwanan ng asawa.

Kahit na may kapansanan, patuloy na nagsusumikap si Buboy para maibigay ang mga pangangailangan ng anak.

"Kung sa anak ko naman kaya kung ibigay ang mga gusto niya habang malakas ako at kaya ko pang maghanapbuhay," sabi ni Buboy sa Wish Ko Lang.

Ani Buboy, pangarap niyang magkaroon ng bisikleta na may side car para may magamit sa paghahanap-buhay.

Kaya naman agad itong tinupad ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Handog ng programa ang isang bagong bisikleta na may side car para kay Buboy at scholarship para sa anak nitong si Paupau.

Kasama naman sa negosyo packages na bigay ng Wish Ko Lang ang samalamig business, pastry business, yema spread business, chili garlic business, perfume business, sabon business, car care cleaning solution business, at grocery items.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "Boso" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang daddy moments ni Buboy Villar sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa gallery na ito: