GMA Logo my husbands lover recap
What's on TV

Lally files for annulment | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published August 11, 2020 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

my husbands lover recap


Tuluyan nang gumuho ang pamilya nina Lally (Carla Abellana) at Vincent (Tom Rodriguez). Balikan ang mga pangyayari sa 'My Husband's Lover' dito:

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Hindi lamang ang buhay ni Lally (Carla Abellana) ang naapektuhan sa patuloy na pagtatago ng pagkatao ni Vincent (Tom Rodriguez) kundi pati na rin sina Diego (Antone Limgenco) at Hanna (Elijah Alejo).

Sa eskwelahan, buong tapang na nakipag-away si Diego sa kanyang mga kaibigan matapos siyang asarin tungkol sa kanyang ama.

Kaya nang makauwi ito sa kanilang bahay, tanong ni Diego kay Vincent: “Daddy are you gay?”

Aminin kaya ni Vincent ito sa kanyang mga anak?

Dahil sa sunud-sunod na epekto nito sa buhay ni Lally, buo na ang desisyon niya na makipaghiwalay kay Vincent upang magkaroon na sila ng mapayapa at tahimik na buhay.

Tuluyan nang gumuho ang dating pinangarap na masayang pamilya nina Lally at Vincent. Hayaan na kaya nila itong masira nang basta-basta?

Panoorin ang natitirang huling dalawang Linggo ng My Husband's Lover pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.

Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.