GMA Logo lance carr
Courtesy: Viva Films on Facebook (left) and City Government of San Fernando, La Union (right)
What's Hot

Lance Carr, nag-react sa kanyang viral 'Harana' video

By Nherz Almo
Published March 28, 2026 12:09 PM PHT
Updated March 28, 2026 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PPA issues reminders for fur parents, plantitas for Holy Week 2026 travel
John Clifford, Marco Masa are featured in international lifestyle magazine
Motorist evades payment for gas in Bacolod

Article Inside Page


Showbiz News

lance carr


Uulit pa kaya si Lance Carr sa pagharana? Alamin dito:

“Gusto n'yo bang haranahin ko kayo?”

Ito ang pabirong tanong ni Lance Carr sa mga dumalo sa media conference ng pelikulang Rosario kahapon, March 28.

Agad naman na nagtawanan ang mga tao dahil ito ay kaugnay ng kanyang viral video ngayon, kung saan kumanta siya ng “Harana” sa ginanap na Miss City of San Fernando 2026 kamakailan.

Sa naturang video, na-timing kasi ang lyrics na “Sino ba 'tong mukhang g*gong “ habang inaalalayan ang isang kandidata.

Lance Carr assists one of the pageant candidates while singing "Harana." Courtesy: City Government of San Fernando, La Union on Facebook

Kaya naman tanong ng entertainment media kay Lance, “Kinakanta mo pa ba 'yon?”

Sagot ni Lance, “With the backlash that I received, siguro magche-change song na po ako sa next kong mga pageant na kakantahin po kasi hindi naging maganda yung effect niya.”

Naapektuhan ba siya sa mga komento?

“Hindi naman,” sabi ng binatang aktor.

“Medyo ina-attack naman akong for a time. Hindi naman ako nagpaapekto. Magche-change na lang ako ng kanta.”

Dagdag pa niya sa huli, “The thing is, lagi ko naman siya kinakanta, ngayon lang siya naging viral.”

Mapapanood si Lance sa horror movie na Rosario, kung saan makakasama niya sina Aubrey Caraan, Jairus Aquino, Yumi Garcia, Rose Van Ginkel, Meg Imperial, Suzette Ranillo, at Bernadette Allyson. Ito ay ipalalabas sa mga sinehan simula April 22.

Samantala, tingnan ang ilang “nahulog sa stage” moments ng celebrities dito: