
Excited na and Asia's Nightingale na si Lani Misalucha na makasama muli ang singer na si Arnel Pineda sa isang back to back concert sa US.
Sa interview ni Lani sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi niya kung gaano siya ka-excited sa kanilang papalapit na concert dahil matagal na silang hindi nagsho-show nang magkasama.
“Ang tagal na naming hindi nag-concert. Well, ang tagal na nung last na nag-show or nag-concert kami ni Arnel na talagang as in back-to-back, ngayon na lang naulit,” sabi nito.
Ibinahagi ni Lani na hindi naman ito ang latest na nagsama sila sa isang show dahil may mga events din silang pinuntahan at nag-perform doon together. Ang pangako naman ng Asia's Nightingale na mapapanood ng mga dadalo sa concert, “power singing lahat, power performance, power voices, powerful voices.
“Iisipin siguro ng tao, Óh my gosh, Lani at saka Arnel baka ano to, mga pasabugan ng mga ano 'to songs or music.' Well, we will try best to ano to give that expectations to our ano audience,” ani nito.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA FASHIONABLE OOTDS NI LANI SA GALLERY NA ITO:
Mag-uumpisa ang concerts nina Lani at Arnel sa September 9, sa California, bago sila tutungo sa Sacramento. Sa September 15 ay pupunta sila sa Grayton Resort Casino at kinabukasan nito, sa Oaklahoma naman ang tungo ng kanilang concert. Babalik sila sa Las Vegas at matatapos ang kanilang concert ng September 23 sa New Jersey.
Ayon kay Lani, ipo-post din niya sa kanyang Instagram account ang dates at venues ng concert nila.
Pakinggan ang buong interview ni Lani sa Updated with Nelson Canlas dito: