
Sa 40 taon sa showbiz, hindi raw inakala ng Asia's Nightingale at The Clash panel na si Lani Misalucha na sisikat siya at magiging isa sa OPM icons.
Sa pakikipagkuwentuhan sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes (September 1), ikinuwento ni Lani na hindi niya na-imagine na mararating niya ang estado ngayon sa music industry.
"Hindi. Hindi ko talaga na-imagine na mararating ko ito. Hindi ko akalain na magiging ganito because hindi ako mapaghangad. And I just thought that I was just going to be a homemaker," sabi niya.
Kuwento pa ni Lani, bawat performances niya, maliit man o malaki, ay kanyang ipinagpapasalamat. Unti-unti rin ang kanyang naging pagtanggap nang naihihilera na sa malalaking mang-aawit ng bansa.
"'Yung mga time na 'yon na marami ko na silang nakakasama, nakaka-perform ko sila, you know, I was just slowly taking it in, na parang 'Wow, it is real. It is really happening.'
"And, bawat talaga na mga performance ko, whether it's a small one, small scale, or a major one, lahat 'yon pinasasalamatan ko," dagdag niya.
Noong August 21, hindi malilimutang performances ang ibinigay ni Lani Misalucha sa kanyang "Still, Lani" concert na ginanap sa The Theatre at Solaire sa Parañaque City.
Samantala, kabilang si Lani sa mga hurado ng The Clash 2025 kasama sina Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas.
TINGNAN ANG NAGING TRANSFORMATION NI LANI MISALUCHA SA GALLERY NA ITO: