GMA Logo Lani Misalucha
What's on TV

Lani Misalucha, ilalahad kung bakit nawala siya sa 'The Clash' sa Christmas TV Special ng programa

By Jansen Ramos
Published December 20, 2020 7:11 PM PHT
Updated December 20, 2020 9:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lani Misalucha


Ibabahagi ng Asia's Nightingale Lani Misalucha sa 'The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat' ang kuwento ng kanyang paggaling matapos ang kanyang pakikipaglaban sa isang karamdaman.

Sa unang pagkakataon, ilalahad ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha ang dahilan ng kanyang pagkawala sa The Clash Season 3 kung saan isa siya sa mga hurado. Si Pops Fernandez ang humalili sa kanya bilang parte ng The Clash panel kasama sina Aiai Delas Alas at Christian Bautista.

Mapapanood ito sa The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat na ipapalabas sa December 25 pagkatapos ng 24 Oras.

Ibabahagi ni Lani sa TV special ang kondisyon ng kanyang kalusugan at ang kuwento ng kanyang paggaling matapos ang pakikipaglaban niya sa isang karamdaman.

Maghahandog din ang batikang singer ng isang production number kung saan kakantahin niya ang isang Christmas classic para magbigay ng pag-asa ngayong Pasko.

Bukod kay Lani, tampok din sa The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela, at The Clash judges na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Pops Fernandez.

Babalik din sa The Clash stage ang The Clash graduates na sina Anthony Rosaldo, Nef Medina, at XOXO, at ang The Clash grand champions na sina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco, kasama ang newly-crowned The Clash Season 3 winner na si Jessica Villarubin.

Ang The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat ay layong makapagbigay ng kasiyahan at musical entertainment ngayong Pasko sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pag-awit ng timeless Christmas songs na minahal ng marami.