GMA Logo mauie francisco and lani misalucha
What's on TV

Lani Misalucha moved by Jeffrey Dela Torre's rendition of 'Ikaw Lang Ang Mamahalin' in 'The Clash 2021'

By Jansen Ramos
Published October 11, 2021 9:57 AM PHT
Updated November 29, 2021 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spanish prosecutors to hear testimony of Julio Iglesias accusers, rights group says
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

mauie francisco and lani misalucha


Mayroong version si Asia's Nightingale Lani Misalucha ng kantang "Ikaw Lang Ang Mamahalin" na ginamit na theme song sa 2001 GMA series na may parehong pamagat.

Emosyonal na inawit ng band vocalist at single dad na si Jeffrey Dela Torre ang kantang "Ikaw Lang Ang Mamahalin" sa one-on-one round ng The Clash 2021.

Ayon kay judge Aiai Delas Alas, matagumpay na na-perform ni Jeffrey ang kanyang contest piece sa kabila ng pagiging emosyonal.

Aniya, "Sobrang tuwang-tuwa ako saka lakas ng palakpak ko sa 'yo kasi ang hirap kumanta ng umiiyak pero ikaw nakayanan mo talaga as in na-hit mo lahat ng notes mo habang umiiyak ka."

Nagpahayag pa ng pagbati si Aiai kay Jeffrey dahil sa pagiging magaling na performer at magulang sa nag-iisang anak.

Dugtong ng Comedy Concert Queen, "Congratulations hindi lang sa pagiging magaling mong mang-aawit kundi sa pagiging magaling mong ama. Bihira ang kagaya mo."

Gaya ni Aiai, hinangaan din ni Lani Misalucha ang pagmamahal ni Jeffrey para sa kanyang anak na nadama niya sa rendition nito ng "Ikaw Lang Ang Mamahalin." Matatandaan na ni-revive din ng Asia's Nightingale ang nasabing kanta at ginamit ang version niya sa 2001 GMA series, na may parehong pamagat. Original song ni Joey Albert ang "Ikaw Lang Ang Mamahalin"

Sabi ni Lani, "Napaka-admirable naman ng iyong sitwasyon. Thank you sa ipinamalas mo sa aming lahat, ang iyong performance at another Lani Misalucha rin na song."

Payo naman ni Christian, iwasan maging emosyonal sa isang singing contest dahil nakakaapekto ito sa boses.

"It's okay to be emotional. No problem, talagang kailangan din naming ma-feel definitely.

"Pero when it starts shaking up your contest performance, baka it might go against your wishes to really, really fight for your daughter. But again you have an amazing voice, keep it up," komento ng romantic balladeer sa performance ni Jeffrey.

Sa huli, sigurado na ang pwesto ni Jeffrey sa round two ng The Clash 2021 matapos siyang piliin ng panel kontra sa nakatunggali niya sa one-on-one Clash na si Mauie Francisco.

Gayunpaman, hindi dapat makampante si Jeffrey at iba pang mag-a-advance sa round two dahil lima na ang Clashers na nakaupo sa blue chairs, kabilang si Mauie.

Mapapanood ang The Clash 2021 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.

Kung hindi man kayo makatutok sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa official pages ng The Clash sa Facebook, YouTube, at TikTok.

Samantala, kilalanin ang The Clash 2021 top 30 sa gallery na ito: