
Nagluluksa ngayon si Lani Misalucha sa pagpanaw ng kaniyang ina na si Esperanza Bayot noong July 3.
Ibinahagi ni Asia's Nightingale ang malungkot na balita sa kaniyang Facebook account, kung saan nag-post siya ng lumang litrato ng kaniyang ina kalakip ang ilang detalye ng burol at libing nito.
Ayon sa naturang litrato, nakaburol si Esperanza sa St. Peter Canlalay Biñan, Laguna mula July 4 hanggang July 7. Ililibing naman siya sa Heritage Park, Taguig sa July 8.
Sa Isang serye ng Instagram post ay ipinaalam ni Lani kung gaano niya nami-miss at mami-miss ang kaniyang ina sa pamamagitan ng ilang litrato at quotes o mensahe niya para dito.
Caption ni Lani sa kaniyang unang post, “Those we love don't go away. They walk beside us every day - unseen, unheard, but always near, still loved, still missed, and very dear.”
Sa kaniyang sumunod na post, sinabi ng The Clash judge na alam niyang magkikita rin sila muli ng kaniyang ina balang araw.
BALIKAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAMATAYAN DIN NG MAHAL SA BUHAY SA GALLERY NA ITO:
Ipinahayag din ng batikang singer ang hilig at galing ng kaniyang ina sa pag-awit sa kaniyang sumunod na post, “You slipped away like a quiet song, but your melody still plays in everything - in the light, in the breeze, in the love you left behind.”
Nagbahagi din siya ng isang quote mula sa awtor na si C.S. Lewis, “Her absence is like the sky, spread over everything.”
Sinabi rin niya sa naturang post na mami-miss niya ng husto ang kaniyang ina.
Nag-post din si Lani ng larawan noon ni Esperanza kung saan makikitang nakatayo ito s harap ng mikropono. Caption ng The Clash judge sa kaniyang post, “A mother's love is eternal. Though she may be gone from this world, her love remains forever wrapped around our hearts. -- Unknown.”
Sa huling post ni Lani, kalakip ng larawan ng kaniyang ina, ay nagpost siya ng quote kung saan nakasaad kung papaanong first, best, at forever friend ng isang anak ang kanilang ina.