
Nagbabalik sa noontime variety show na It's Showtime ang fun segment na “Hide and Sing.”
Sa naturang segment, kailangan mahulaan ng TagoHula, o celebrity guest player, kung sino ang totoong celebrity singer mula sa tatlong singers, o TagoKanta, na naka-cover up.
Sa episode ngayong Lunes (January 20), ang TagoHula ay ang Kapuso star at 2024 MMFF Best Supporting Actor na si Ruru Madrid. Ipinakita rin sa huli na ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha ay ang totoong celebrity singer.
Tinanong ng host na si Vhong Navarro ang kilalang singer kung kumusta ang experience nito at labis na nagpasalamat ang huli.
“Alam mo first time ko, marami pong salamat sa pag-imbita sa akin dito. Thank you, nakakatuwa po. Thank you sa experience and sana maulit po ito,” aniya.
Bago natapos ang “Hide and Sing,” isang powerful performance ang ibinigay ni Lani nang awitin niya ang kaniyang kanta na “Malaya Ka Na.”
Unang napanood ang “Hide and Sing” segment sa It's Showtime noong 2020.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA NAKISAYA SA IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.