What's on TV

Lani Misalucha, proud lola sa kanyang apat na apo

By Jansen Ramos
Published September 12, 2019 11:31 AM PHT
Updated September 20, 2019 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Lani Misalucha on The Clash


Aminado si Asia's Nightingal Lani Misalucha na miss na miss na niya ang kanyang mga apo kahit na isang linggo pa lang siyang nasa bansa.

Kauuwi lang ni Asia's Nightingale Lani Misalucha ng bansa galing Amerika para mag-judge ng second season ng The Clash, na mapapanood na simula September 21.

Lani Misalucha
Lani Misalucha

Isa laban sa lahat: Most intense vocal battle arises on The Clash Season 2

Sa Amerika na naka-base ang 50-year-old singer simula 2004 at umuuwi lang ng bansa kapag may proyekto siya rito o magbabakasyon.

Bukod sa kanyang series of shows doon, ninais rin ni Lani na roon na manirahan para makasama ang kanyang dalawang anak na sina Lian at Louven, at apat na apo na sina Caden, Leora, Joey, at Jonah.

Malayo sa kanyang glamorosang buhay on stage, simple lang daw ang gusto ni Lani kapag nasa Las Vegas at ito ay makapiling ang kanyang pamilya.

Manang mana talaga ang mga apo ko sa akin. Mahilig din sila sa stripes Joey doesn't want to join us in the picture but he's also wearing stripes. Caden is such a smiley boy while Leo is not in the mood to smile. She's like "whatever". LOL! #lanisgrandbabies #happygrandma #happylola #stripeshirt #stripes #welovestripes

A post shared by Lani Misalucha (@lanimisalucha) on

Manang mana talaga ang mga apo ko sa akin. Mahilig din sila sa stripes Joey doesn't want to join us in the picture but he's also wearing stripes. Caden is such a smiley boy while Leo is not in the mood to smile. She's like "whatever". LOL! #lanisgrandbabies #happygrandma #happylola #stripeshirt #stripes #welovestripes

A post shared by Lani Misalucha (@lanimisalucha) on


Kwento niya sa aming panayam noong pictorial ng The Clash, "Kapag umuuwi ako sa Las Vegas, it's a complete turn around ng buhay ko.

"Kasi 'pag ando'n talaga 'ko sa bahay, I just wanna stay home and spend time with my two daughters and, of course, my grandchildren."

Mahalaga rin daw para kay Lani na masaksihan ang formative years ng kanyang mga apo na pawang maliliit pa.

Bahagi niya, "Sa totoo lang, napakabilis ng panahon, as much as possible, we try to enjoy 'yung gano'ng edad na hindi pa pumupunta sa pre-teens.

"Kasi, napakasarap sa feeling na you still get to hug them, you still get to kiss them and play with them, and 'yun 'yung mabilis mawala kapag hindi mo in-enjoy, kapag hindi mo napagtuunan 'yung chapter ng buhay nila na 'yon."

Dagdag pa Lani, "Kaya 'pag nandoon ako, katulong ang dating pero gano'n talaga ang buhay Amerika.

"Talagang you have to do everything by yourself."

Diin pa niya, "Wala kang mauutusan."

Aminado si Lani miss na miss na niya ang kanyang mga apo kahit na isang linggo pa lang siyang nasa bansa.

Nasa Pilipinas ngayon ang kilalang singer para sa pagbabalik ng all-original Filipino singing competition na The Clash, kung saan isa siya sa judges. Kasama niya ring nagbabalik bilang judge sina Aiai Delas Alas at Christian Bautista.

Abangan ang second season ng The Clash simula September 21.