GMA Logo lani misalucha
What's on TV

Lani Misalucha, proud sa narating ng 'The Clash' alumni

By Nherz Almo
Published September 1, 2025 12:30 PM PHT
Updated September 1, 2025 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

lani misalucha


Inamin ni Lani Misalucha na dahil sa kakaibang twist ng 'The Clash' ngayon, naging challenging para sa The Clash panel ang pagja-judge. Alamin dito:

Kakaibang The Clash ang napapanood ngayon dahil bukod sa bagong contenders, muli ring kumasa sa hamon ang mga dating kalahok sa original singing competition ng GMA.

Dahil dito, inamin ng isa sa miyembro ng The Clash panel, si Asia's Nightingale Lani Misalucha, na kakaiba rin ang naging approach niya, kasama sina Aiai Delas Alas at Christian Bautista, sa pagja-judge ng mga contestant.

“Alam mo, mahirap para sa aming mga judges ang time na 'to,” pag-amin ni Lani nang huling makapanayam siya ng GMANetworkc.com.

Paliwanag niya, Parang paano mo ibabalanse. Sa totoo lang, yung mga dating Clasher, magagaling. E kaso, may mga magagaling din sa new Clashers. Parang ang hirap para sa amin na may mawawalang Clashbackers, ang hirap for us to let go.”

Diin pa niya, “Itong time na 'to, kinailangan talaga naming pag-usapan kung papaano namin ima-maneuver ang aming pagja-judge. This time, it's kind of difficult for us.”

Samantala, natutuwa naman si Lani sa The Clash alumni, na naging maganda ang takbo ng kanilang karera.

Aniya, “Nakakatuwa yung ibang mga dating sumali sa The Clash, mayroon na silang kanya-kanyang mga ginagawa. Yung iba theater actors, yung iba kasali rin sila sa teleserye.

“I'm really proud of them that mayroon na silang kanya-kanyang ginagawa sa kanilang buhay.”