
Kumakalat muli ngayon sa social media ang production number ni Lani Misalucha sa November 27, 2021-episode ng The Clash.
Dito ay kinanta ng Asia's Nightingale ang Christmas song na "Jingle Bells," base sa bersyon ng American singer na si Barbra Streisand na may mabilis na tempo.
Napapanahon ang pag-viral ng production number ng The Clash judge dahil Ber months na naman at kakasimula lang ulit ng bagong season ng GMA musical competition.
May kanya-kanya namang paandar ang ilang netizens na gumawa ng mga nakakaaliw na memes habang tumutugtog sa background ang rendisyon ni Lani ng "Jingle Bells."
Sa meme na ito, pwede raw kantahin ang "Jingle Bells" ng batikang singer kapag nangangaroling at kailangan umuwi ng maaga dahil sa tila nagmamadali nitong tono.
Swak din daw ito kapag nangangaroling sa isang bahay na malaki magbigay ng aginaldo pero may bantay na aso.
Sa video namang ito, ginawan pa ng dance cover ng isang Facebook user ang "Jingle Bells" number ni Lani. Biro ng uploader, "May ibibilis pa ba kanta mo, Lani?"
Nananatiling parte ng The Clash panel si Lani, kasama ang kapwa original The Clash judge niya na sina Aiai Delas Alas at Christian Bautista, sa ikaanim na pagkakataon.
Mapapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA at online via Kapuso Stream. Available ang live streaming nito sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash 2024, at sa Facebook page ng GMA Network.
Ipinapalabas din ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.
Ang The Clash 2024 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
RELATED: Sneak peek at the fun set of 'The Clash 2024'