
Bago pumasok sa Bahay Ni Kuya, sinagot ni Lans Nagal ang tanong kung bakit dapat siyang subaybayan at suportahan ng viewers sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Sabi ni Lans sa previous exclusive interview ng GMANetwork.com sa kanya, “Dito po sa Pinoy Big Brother [Collab 3.0], puwede n'yo po akong mas makilala pa. Outside sa 3-minute video na nakikita on social media.”
Ayon pa sa kanya, bukod sa pagiging content creator ay gusto niyang mas makilala pa siya ng viewers bilang isang kaibigan at isang housemate.
“Dito po mas makikilala n'yo si Lans, bilang LA, bilang Louise, bilang kaibigan, bilang housemate ni Kuya,” dagdag niya.
Isa si Lans Nagal sa official housemates ng bagong season ng Pinoy Big Brother.
Siya ay kilala rito bilang VetMed Content Creator ng Cavite.
Kasalukuyan siyang kabilang sa Team Kapuso, kung saan kasama niya ang housemates na sina Anthony Constantino, Bela Arcal, Ethan Benares, Mikee Quintos, Nicole Fortuna, Raheel Bhyria, at Winwyn Marquez.
Abangan ang mga ganap ni Lans Nagal sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., tuwing Sabado, 6:15 p.m., at 4:55 p.m. naman tuwing Linggo.
RELATED CONTENT: Kilalanin ang bagong housemates ni Kuya sa gallery na ito.