
Excited na ang Sparkle artist at Lapillus member na si Chanty sa bagong season ng hit youth oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Sa Instagram, isang cute na video ang ibinahagi ni Chanty kung saan suot niya ang bagong school uniform sa MAKA.
"So excited for MAKA season 2!" sulat niya.
@itsmaria.chantal Maka Season 2! Are you excited? #lapillus #lapilluschanty #makaseason2 ♬ original sound - Chanty
Present si Chanty sa naganap na outfit check at pagpapakilala ng characters ng MAKA noong nakaraang linggo, kung saan muli niyang nakasama sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, Sean Lucas, at May Ann Basa.
Na-meet na rin ni Chanty ang bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.
Abangan si Chanty sa MAKA season 2 malapit na sa GMA!
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: