
Umiinit daw talaga ang ulo ni Miss International 2005 at celebrity mom Precious Lara Quigaman sa tuwing nagpapakuha ng litrato kasama ang mga anak na sina Noah, Tobias Nolan at Moses.
Sa kanyang Instagram post ngayong araw, July 14, ibinahagi ni Lara ang kanilang family photos na naging "candid" na lang dahil daw sa mood ng kanyang mga anak.
"Taking a family photo with young kids is sooooooo difficult! Yung isa napu-poo poo, yung isa naman tired daw siya, at yung isa, gustong dumedede palagi. And everyone wants to be with mommy! Minsan umiinit talaga ang ulo ko.
"Buti na lang mabait ang pinakapanganay ko at mahilig magpapicture," saad ni Lara sa caption sabay mention sa asawang aktor na si Marco Alcaraz.
Pambawi na lang ng former beauty queen, para sa kanya, "the best photos are the candid ones."
Maraming nanay ang naka-relate sa "struggle" na ito ni Lara. Ang isang netizen, kapareho rin daw ng beauty queen na isang 'boys mom.'
Nag-iwan din ng comment si Marco at sinabing: "#TeamMommy! We love you mom!!!"
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 22,000 likes ang Instagram post ni Lara.
Sa isang resort sa Cebu ipinagdiwang ng mag-anak ang birthday ni Marco. Nag-post din ang aktor sa kanyang Instagram account na si Lara daw ang "best gift" na nakuha niya sa buong buhay niya.
Ikinasal sina Lara at Marco noong 2011. Makaraan ang isang taon, isinilang ni Lara ang panganay na anak na si Noah.
Taong 2018 naman sinalubong ng mag-asawa si Tobias Nolan at nitong 2020 lang ang bunsong si Moses.
Balikan ang naging trending na Crash Landing On You inspired photoshoot ng Quigaman-Alcaraz family sa gallery na ito: