
Sa isang bagong vlog, ipinakita ng celebrity couple na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz ang ilang updates sa paghihintay nila sa kanilang pangatlong supling.
Sinamahan ni Marco si Lara sa pagbisita sa kanyang OB-GYN para magpa-check up.
As of this writing, 26 weeks nang buntis is Lara at sa September nakatakdang manganak.
Kaakibat nito ang ilang pagbabago sa katawan ni Lara at inamin niyang minsan ay nakakaramdam siya ng lungkot dahil dito.
"Nakikita ko rin talaga kapag tumitingin ako sa salamin na lumalaki na 'yung mukha ko, nangingitim na 'yung leeg ko, 'yung kili-kili ko. Because of that din, the past days I have been feeling low kasi nga nakikita ko na 'yung changes sa body ko," kuwento ni Lara.
Alam din niyang mas dadami pa ang mga pagbabago habang mas lumalaki ang batang kanyang dinadala.
"26 weeks pa lang ako. I still have 14 weeks to go pero ganito na ko kalaki. Ibig sabihin, mas lalaki pa ko and medyo nalulungkot ako," aniya.
Inamin din niya na minsan, kinukumpara niya ang sarili sa ibang nanay, lalo na sa mga nakikita niya sa social media.
"Nakikita ko 'yung ibang friends ko na buntis or 'yung ibang mga artista na buntis. Bakit sila parang ang ganda pa rin nila? Bakit parang ang sexy pa rin nilang buntis? Parang hindi naman sila tumataba or hindi pumapanget. As moms, we tend to compare our body with other moms 'di ba? Or minsan naaalala lang natin how we used to look before," pahayag niya.
Inalala din ni Lara ang kanyang katawan noong nanalo siya bilang Miss International noong 2005. 23 inches lang daw ang kanyang baywang noon at wala ng mga stretchmarks.
"I think kailangan lang na we just remind ourselves na it's normal to undergo mga body changes. It really helps na kahit papaano we take time na mag-ayos tayo ng konti," bahagi niya.
Alamin kung paano hinaharap ni Lara ang mga pagbabagong dala ng kanyang pagbubuntis dito:
Ipinagbubuntis ni Lara ang pangatlong anak nila ni Marco. Sa isang gender reveal sa kanilang vlog, ibinahagi nilang lalaki muli ang kanilang anak.