
Hinangaan ng netizens ang ipinakitang video ni Sang'ge actress Bianca Umali ng kanyang knife training ng Filipino Martial Arts na Laraw Kali Pamuok (LKP).
Sa kanyang social media post, ka-one-on-one ni Bianca sa kanyang pagsasanay sa knife fighting ang LKP Estilo Paete "Maestra" na si Luz Laureta kasama ang Filipino martial arts expert na si Ronnie Royce Base.
Pinahanga ni Bianca ang fans sa kanyang "smooth" at "maangas" na galaw habang nagsasanay. Ani Facebook user, "Ang smooth ng galawan, angas."
Kasalukuyang mayroong mahigit one million views sa Facebook ang knife training video na ito ni Bianca at umani rin ng libo-libong reaksyon.
Samantala, patuloy na subaybayan si Bianca Umali bilang Sang'gre Terra sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
TINGNAN ANG NAGING PAGSASANAY NI BIANCA UMALI NG PINOY MARTIAL ARTS NA LARAW KALI PAMUOK SA GALLERY NA ITO: