GMA Logo kristine hermosa naglalaba
Celebrity Life

Larawan ni Kristine Hermosa na naglalaba, pinusuan ng mga netizen!

By Aedrianne Acar
Published June 4, 2020 10:26 AM PHT
Updated June 4, 2020 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

kristine hermosa naglalaba


"Yung ganitong gandang naglalaba ng unan, nahiya ako," komento ng isang netizen sa larawan ni Kristine Hermosa:

Muling nagbigay ng good vibes ang photo ng former Hay,Bahay! star na si Kristine Hermosa sa Instagram habang ginagawa ang gawaing-bahay kasama ang anak na si Kaleb Hanns.

Sa Instagram post ng misis ni Oyo Sotto kahapon, June 3, ipinasilip niya ang bonding nila ni Kaleb na nilalabhan ang mga unan nila sa bahay.

Sabi ni Kristine, "My quarantine life..thank you Lord for the strength, grace and determination.. and thank you to this mighty helper of mine by Ate Dre."

LOOK: Kristine Hermosa's photos that show she is ageless in her 30s

My quarantine life..🥰🤗 thank you Lord for the strength, grace and determination.. 😂and thank you to this mighty helper of mine 👦🏻❤️ 📸 by Ate Dre #Kaleb #SUPERproductiveday #handwashed&bleached #SugatnamgakamayangENDING

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto) on


Umani ang photo ni Kristine ng libo-libong likes at ang iba ay pinuri ang ganda ng celebrity mom na walang kupas.

Ayon sa komento ng netizen na si @dear.allie, "'Yung ganitong ganda naglalaba ng unan, nahiya ako saakin. Makapaglaba na din nga."

Kristine Hermosa's timeless beauty goes viral again