
Mapapanood si Kapuso actor Larkin Castor sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Fix You" kung saan gaganap siya bilang Adrian, car mechanic na hindi siniseryoso ang trabaho niya.
Makakasama niya sa episode si veteran actor Bodjie Pascua na gaganap naman bilang Mang Berting, customer na magpapa-repair ng sasakyan sa kanya.
Luma na ang sasakyan ni Mang Berting kaya sa tingin ni Adrian hindi na ito mare-repair at dapat na itong palitan.
Pero may sentimental value para kay Mang Berting ang sasakyan. Madalas din niyang ikuwento kay Adrian ang iba't ibang experiences niya gamit ang sasakyang ito.
Mababago ba ng mga kuwento ng karanasan ni Mang Berting ang attitude ni Adrian tungkol sa trabaho at sa buhay?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Fix You," January 18, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.