
Nagpaalam na si Larkin Castor sa kanyang karakter na si Hedrik sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Noong Miyerkules (August 20) sa Sang'gre, tuluyan nang namaalam ang mag-inang Hedrik at Masha Mayca (Cheska Iñigo) matapos na walang-awa silang paslangin ni Kera Mitena (Rhian Ramos), na nasaksihan ng buong Encantadia.
Sa kanyang Instagram post, labis ang pasasalamat ni Larkin sa pagkakataon na naging parte siya ng Sang'gre.
"Thank you Sparkle GMA Artist Center, Ms. @joymarcelo1115, Ms. @annettegozonvaldes, Sir Daryl Zamora and Ate @aubreydelacruz_ for giving me the trust and opportunity to become a part of Encantadia Chronicles: Sang'gre! It has always been my dream to have a role in an action series this big," sulat ng aktor.
Pinasalamatan din ni Larkin ang kanyang Sang'gre co-stars na, aniya, nakatulong sa kanyang paghahanda sa mabigat na role.
"Thank you to Ms. @anagfeleo, Ms. @rgalferez, Ms. @melissazuniga200, Sir @thatterrorinyourclassroom, Ms. @jennybdonato and my co-actors for helping me prepare for my difficult and challenging role. I couldn't have done it properly without you," dagdag niya.
Hindi rin pinalagpas ni Larkin ang pagkakataon na mapasalamatan ang mga tao at fans na sumuporta sa kanya sa Sang'gre.
"Of course, thank you to the people and fans who supported me in this show and those who continue to do so in my other projects!"
Ayon pa kay Larkin, hindi niya ini-expect na magmamarka sa manonood ang kanyang karakter na si Hedrik.
"I never really expected to make a mark in this show as I was just enjoying my craft and focusing on making it better and believable. This is truly a humbling but fulfilling moment in my career. I'll definitely make this a motivation for me to keep improving my craft and honing my skills as an actor.
"Avisala Eshma! - Hedrick."
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.