GMA Logo Pare and wife, Jhong Hilario, Ogie Alcasid
What's on TV

'Laro, Laro, Pick' contestant, naiyak dahil sa kanyang misis

By Kristine Kang
Published October 29, 2025 4:43 PM PHT
Updated October 29, 2025 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Pare and wife, Jhong Hilario, Ogie Alcasid


Ano kaya ang istorya ng pagluha ni Pare sa 'It's Showtime'? Alamin dito.

Tila nag-iba bigla ang tema ng “Laro, Laro, Pick” segment ng fun noontime program na It's Showtime!

Nitong Miyerkules (October 29), kinaaliwan ng mga host ang street food vendor na si Pare dahil sa kanyang natatanging boses.

"Totoo ba na parating na sila...mga alien?" biro ni Jhong Hilario.

"Hindi siya alien! Ganoon lang siya magsalita," hirit naman ni Ogie Alcasid.

Hindi napigilan ng mga host na asarin si Pare habang inaalam ang kanyang istorya. Maya-maya pa, ipinakilala ng contestant ang kanyang asawa sa studio.

"Kumustang asawa si Pare?" tanong ni Jhong.

"Okay naman po, mabait. Kahit sinisigawan ko naman po, hindi talaga siya..." patawang sabi ng misis.

Ngunit ang tawanan ng madlang people ay biglang huminto nang may napansin si Jhong.

"Bakit naiiyak si Pare?" tanong ng host.

"'Pag naiisip ko kasi minsan hindi ko mapigilan," emosyonal na tugon ni Pare.

"Ano pong naiisip n'yo kuya?" tanong ni Jackie Gonzaga.

"Na sinisigawan ako pero..." sagot ni Pare, na agad nagtawanan ang lahat.

Ngunit ang inakalang biro ay totoo palang hinaing ng contestant. Pati ang kanyang misis ay hindi napigilang maluha.

"Akala ko kasi tungkol sa kung ano mang problema. 'Yun pala may sama pa talaga ng loob siya na hindi niya mailabas. Dito lang sa TV," sabi ni Jhong.

Nang tanungin kung bakit nasisigawan ang asawa, sagot ng misis: "Wala naman po [ginagawang mali]. Minsan po kasi may medyo makulit talaga siya 'yung 'pag nagsasalita ako, parang gusto niya paulit-ulit."

Tila nahook ang madlang people sa kanilang kwento, lalo na nang sabihin ni Pare, “Kahit sinisigawan mo 'ko, pinaglalaban pa rin kita.”

Nauwi ang kanilang emosyonal na sandali sa yakapan at halikan ng mag-asawa.

Nagpasalamat din ang misis kay Pare sa pagmamahal nito sa kanya at sa kanyang mga anak sa dating asawa.

"Feeling ko magiging mas masaya lalo kayo kung magiging sweet kayo sa isa't isa," paalala ni Jhong.

Sa huli, binigyan nina Jhong at Ogie ang mag-asawa ng pang-date para makapagbigay saya at bagong simula sa kanilang relasyon.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang kanilang moment sa 'Laro,Laro, Pick' dito: