
Nagkaalaman ng mga sikreto ang Las Hermanas stars na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva matapos sumabak sa larong “Who's Most Likely To?” sa online show ng GMA Artist Center na Challenging.
Sa episode nitong October 29, sinagot ng tatlong aktres ang iba't ibang nakatutuwang tanong na mas magpapakilala sa kanila sa mga manonood behind-the-scenes.
Sa tatlong Kapuso actresses, sinagot ni Faith na si Thea ang mas matagal na mag-reply sa text messages.
Aniya, “Si Thea magme-message sa akin ng madaling araw tapos the next day kapag magre-reply ako, 'Oh, ano 'yon?,' hindi na siya magre-reply ulit sa akin. Kailangan tawagan ko pa siya, 'Oh, ano 'yung sasabihin mo?'”
Paliwanag naman ni Thea, “Actually, mabilis ako mag-reply sa kanila. May time na sa ibang tao talaga… siguro mga one month ako bago mag-reply.”
Nang tanungin naman kung sino sa kanila ang most likely na mabudol sa online shopping, sinagot nina Thea at Faith na ito'y si Yasmien.
Ayon kay Faith, nambubudol daw si Yasmien pagdating sa pagkain gaya ng meryenda, dinner, at midnight snack.
Dagdag pa ni Thea, “At saka, hindi lang 'yon. Kahit hindi po online, madalas po nabubudol yata si ate Yas mag-shopping kasi parang kada week may bagong items sa bahay.”
Si Faith naman ang clumsiest sa kanilang tatlo at inamin ng aktres na palagi siyang nadudulas at natatapilok kahit sa simpleng paglalakad lamang.
“Wala namang something pero napapatid pa rin ako,” ani ng aktres.
“Naalala ko 'yung isang eksena na heavy scene parang nadudulas lang 'yung paa mo, nadaganan mo na kaming lahat,” nakatutuwang dagdag ni Thea.
Subaybayan sina Yasmien, Thea, at Faith sa Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.
Para sa mas marami pang exciting challenges featuring your favorite Kapuso stars, abangan ang new episodes ng Challenging tuwing Biyernes sa GMA Artist Center YouTube channel.
Samantala, kilalanin ang mga karakter nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva sa Las Hermanas dito.