GMA Logo Lassy in Its Showtime
Photo by: It's Showtime
What's on TV

Lassy, kinilig noon sa isang tricycle driver

By Kristine Kang
Published November 20, 2025 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH keeps watch on medicine prices amid fuel crisis
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Lassy in Its Showtime


Lassy sa kanyang dating crush: 'Napasaya mo ko noong kabataan ko.'

Kahit sino pa ang unang minahal natin noong kabataan, hindi mawawala ang saya at kilig na naiwan nila sa ating puso.

Ganito ang ibinahaging istorya ni Lassy sa isang episode ng fun noontime program na It's Showtime.

Noong Miyerkules (November 19) sa segment na "Laro, Laro, Pick," inamin ng comedian na minsan siyang umibig sa isang tricycle driver.

"Pero may naging jowa kang tricycle driver? 'Yung totoo," tanong ni Vice Ganda.

"Hindi naman talagang naging jowa, kaharutan," sagot ni Lassy.

Pabirong kuwento ng host, hindi sila naging mag-partner dahil may asawa na raw ang naturang driver. Nakilala raw niya ito sa pila ng isang supermarket, at mula noon ay lagi siyang sumasakay doon para lang makita ang kanyang napupusuang driver.

"Ang saya. Napasaya mo ko noong kabataan ko siyempre," mensahe ni Lassy sa kanyang dating crush. "Salamat dahil napagdaanan ko 'yung saya noong kabataan ko na iba 'yung kilig. Iba ang kilig kapag nandoon ako sa likod mo, nakakapit."

Sa gitna ng kulitan, napaasar pa ni Vice si Lassy sa isa sa mga tricycle driver contestants na si Agoy.

"Paano mo aayain si Agoy sa sinehan?" tanong ng Unkabogable Star.

"Agoy, Agoy, Agoy... gusto mo manood ng sine?" biro ni Lassy.

"Okay lang naman," sagot ni Agoy.

"Gusto mo ba ng horror?" tanong pa ng comedian.

"Kahit ano basta may mapanood lang tayo," tugon ng driver.

Mas ikinatawa pa ng madlang people ang hirit ni Vice.

"Kahit ano. Ang mahalaga nanonood siya 'tas 'di ka niya titingnan, manonood lang siya."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang kuwentong pag-ibig ni Lassy dito: