
Isang tulog na lang at matutunghayan na ang seventh o ang pinakahuling eviction sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Tiyak na mapupuno ng kaba ang buong Bahay Ni Kuya sa pagsalang dito ng anim na Kabataang Pinoy housemates.
Ang nominado ngayong Linggo ay ang housemates na hindi pa nakakuha ng puwesto sa Ultimate Eye platform.
Sila ay ang mga Kapuso at Kapamilya na sina Heath Jornales, Marco Masa, Princess Aliyah, Carmelle Collado, Joaquin Arce, at Miguel Vergara.
Sa anim na nominado, dalawa sa kanila ang magbabalik na sa outside world at ang apat naman ay mananatili sa Bahay Ni Kuya hanggang Big Night.
Sino kaya ang maililigtas ng taumbayan? At sino kaya ang magwawakas na ang journey bilang housemate ni Big Brother?
Samantala, ang apat na kabilang na sa Ultimate 8 ni Kuya ay sina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Lella Ford, at Krystal Mejes.
Huwag palampasin ang mga pangyayari sa last eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong Sabado na, February 21.
Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.