GMA Logo Last Fool Show in GTV movies
What's on TV

'Last Fool Show' nina Arci Muñoz at JM de Guzman, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published July 8, 2022 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Last Fool Show in GTV movies


Kabilang ang 'Last Fool Show' starring Arci Muñoz at JM de Guzman sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Tampok ang romantic comedy na Last Fool Show nina Arci Muñoz at JM de Guzman ngayong weekend sa second most-watched channel sa Pilipinas, GTV.

Gaganap si Arci rito bilang Mayessa, isang matagumpay na indie film director. Magkakaroon siya ng pagkakaton na mag-direct ng isang mainstream movie pero hindi ma-approve ang mga pitch niya.

Pang independent films pa rin kasi ang tema ng mga ideya niya habang gusto ng film producers na gumawa siya ng isang romantic comedy na papatok sa mainstream audiences.

Dahil kailangan niya ng malaking halaga para maipagamot ang nanay niyang may cancer, gagawa ng romantic comedy film si Mayessa na base sa failed love story nila ng ex-boyfriend na si Paolo, karakter naman ni JM.

Abangan ang Last Fool Show, July 9, 9:30 p.m. sa G! Flicks.

Huwag din palampasin ang Pinoy action film na Waray starring Gary Estrada, July 10, 4:30 p.m. sa Afternoon Movie Break at A Star is Born nina Lady Gaga at Bradley Cooper, July 10, 9:45 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.