GMA Logo Emman Nimedez
What's Hot

Last song of late YouTuber Emman Nimedez to be released tonight

By Jimboy Napoles
Published August 16, 2022 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Emman Nimedez


Kasabay ng kanyang second death anniversary, mapapanood na ang huling awitin na isinulat ng yumaong content creator na si Emman Nimedez.

Dalawang taon matapos ang kanyang pagpanaw, mapapanood na ngayong Martes (August 16), ang music video ng "Simula" --- ang huling awitin na isinulat ng yumaong content creator na si Emman Nimedez.

Sa Facebook page ni Emman, inilabas ang isang larawan na kuha mula sa nasabing music video kung saan makikita ang ilang mga pasahero sa isang jeep na nakatingin sa nakatalikod na si Emman.

"SIMULA | 7PM #LastSongofEmmanNimedez," saad sa nasabing post.

Nakilala si Emman noon dahil sa kanyang mga nakatutuwang parody ng mga sikat na K-drama at sa kanyang mga relatable na awitin para sa mga kapwa niya kabataan.

Ngunit marami ang nabigla nang ibalita ni Emman na nagkaroon siya ng sakit na acute myeloid leukemia hanggang sa noong August 16, 2020 ay tuluyan nang namaalam si Emman dahil sa naturang sakit.

BALIKAN ANG MGA ALAAALA NI EMMAN NIMEDEZ SA GALLERY NA ITO: