Article Inside Page
Showbiz News
Bakit naniniwala si Camille Prats na ang bago niyang pag-ibig ay may basbas ng kaniyang namayapang asawa na si Anthony.

Dalawang taon na ang nakararaan mula nang pumanaw ang kabiyak ni Kapuso host-actress Camille Prats na si Anthony Linsangan dahil sa cancer. May ilang inuugnay kay Camille, ngunit itinanggi ito ng
Mars TV host.
Ngayong sasapit na ang Pasko, nangungulila man si Camille sa pumanaw na asawa ay tila masayang-masaya naman siya sa bago niyang love life.
Nitong December 3 lang kinumpirma ni Camille ang new found love niya sa kanyang post sa Instagram nang mag-celebrate sila ng first anniversary. Nag-post siya ng collage na kasama niya ang non-showbiz boyfriend na si JJ Yambao with this caption:
“Thank you for a fruitful and memorable year. Meeting you is definitely one of the most beautiful things life has given me. You came into my life the least I expected it, and I couldn't be any happier. Thank you for saving me. For being my knight in shining armor. Cheers to our 1st year, forever more to go. belated happy 1st love. (love, love, love)
@jjyambao1.”
Nang tanungin ng GMANetwork.com si Camille sa story conference ng bagong teleserye ng GMA, medyo naging hesitant siyang sagutin ang mga tanong tungkol kay JJ. Ayon sa kaniya, ayaw niya raw kasing maging public figure ang boyfriend.
Pero, paliwanag ni Camille, hindi naman daw siya nagde-deny ng mga bagay lalo na sa personal life niya.
Kahit paano ay nag-share si Camille ng ilang detalye sa kaniyang love life: “Siguro ito na lang 'yung masasabi ko, I'm happy, I'm in a happy state so whatever you see on Instagram and on whatever social media is 'yun na siguro 'yon. I don't want to elaborate because ayoko lang siya masyadong i-hype. So what you see is what you get.”
Dagdag pa ni Camille, natutuwa raw siya dahil marami siyang natatanggap na positive comments sa love life niya ngayon. Sobrang napapasalamat daw siya sa mga taong sumusuporta sa kanila.
Ano nga ba ang nakita niya kay JJ na nagbukas muli sa kanyang puso na magmahal?
“Siya siguro ‘yung nakitaan ko ng sobrang …so much sincerity, and I really felt that he really wanted to be part of my life; not only my life, but also my son’s life,” sagot niya.
Ani Camille, marami raw ang nagsasabing baka ang late husband niya ang nagpadala kay JJ sa buhay nila ng kaniyang anak na si Nathaniel Caesar.
“Hindi kasi siya hinanap ko. Parang he really came to me, he showed me sincerity and things na parang hindi ko naman talaga hinihingi sa isang tao. So 'yon siguro, that's why hindi ko rin ine-expect na I'll be in a position like this,” saad niya.
Dagdag ni Camille, “Love life o wala, I’m perfectly fine. I’m happy the way I am. I’m very blessed. Ito siguro, maybe I would say na baka Anthony was the one who sent him to me.”
Abangan ang paglabas ni Camille Prats sa isa sa mga bagong dramang ihahandog ng GMA sa 2014 kasama sina Pauleen Luna, TJ Trinidad at Rafael Rosell. Meantime, catch her every night in
Mars, from Monday to Friday on GMA News TV Channel 11.
- Text by Al Kendrick Noguera and Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com